Lorna and Aldrin’s Box

April 9, 2009

Ang Pagbabago

Filed under: Uncategorized — pognang @ 9:32 am

Ako’y may gagawing lathalain ngunit di ako makapasimula dahil tinatamad akong mag-ingles. Kaya eto at nagpapakundisyon ako sa pagsulat ng ilang pahinang pag-aaral sa mga bagay na ayaw ko namang pag-aralan pero walang magagawa kundi ang pag-aralan…hehehe Teka, di ba dapat nagtitika tayo ngayong mga panahon na ito, yan ang kaugaliaan ng mga katoliko…talaga nga namang nagbabago ang panahon.

Noong kabataan ko, kapag Huwes santo ay iniisa-isa namin ang mga simbahan sa Maynila para sa “Bisita Iglesia”. Labing-apat na simbahan ang pinupuntahan naming magkakapatid. Minsan na nasa Espiritu Santo, ang simbahang pinagbinyagan naming apat, ay nilapitan kami ng “sira” , ang bilis naming tumakbong babaeng magkakapatid at ang naiwan ay ang lalaki naming kapatid. Nang magkita-kita kami sa di kalayuan, sabi nya sa min “Bakit nyo ko iniwan?”. Natatandaan ko ang sagot ko sa kanya, “ang bagal mo kasi, pag ganoon, takbo agad”…hehehe Talagang mahilig akong tumakbo at maglakad ng bilis.Nakukunsumi ako kapag may naglalakad sa daan na kay bagal-bagal. Iniisp ko nga mga sampung taon simula ngayon, makakalakad pa kaya ako ng mabilis? Sa likod ng aking isip alam kong magbabago ang lahat. At ang pagbabago ay parte ng buhay…lahat ay nagbabago…

Sa pagbibisita Iglesia ko rin nakita noon si Paul Alvarez, isang sikat na PBA player noon. Aba, gwaping, matangkad at palabati si Alvarez. Naalala ko tuloy ang no. 1 idol ko noon na si Samboy Lim. Hindi sya ang pinakagwapo sa PBA pero isa sya sa pinakmahuhusay. Napakataas nyang tumalon at “very passionate” syang maglaro. Tingnan mo ako meron pa akong nalalamang “very passionate” .  Aba, noong araw, napakalaki ng naitulong ni Samboy Lim sa akin.  Kahit di ako magreview basta nanalo sila noon siguradong papasa ako sa exam kahit mahirap. Yan ang tinatawag na “adrenalin”. Tingnan mo uli ako, may nalalaman pa akong “adrenalin”.  Sobra ang paghanga ko kay Samboy Lim noon, pero dahil di ko na rin sya madalas mapanood at busy na rin ako sa maraming bagay ay nabawasan na ito…yan ay isang pagbabago…

Sa araw-araw nakakakita tayo ng pagbabago…isa sa “napakaobvious”  na pagababgoay ang pagbabago ng panahon katulad na lamang ng “global warming” Saan ka naman nakakita ng summer na umuulan? Palaagay ko ang pagbabagong ito ay kailangang bigyan ng pansin ng tao…

Kapag pinagukulan mo naman ng pansin ang iyong mga kakilala o kaibigan o kahit mga kapamilya(teka kapuso ako ha), makikita mong malaki rin ang kanilang pinagbago. Sa itsura, ang iba sa kanila’y mukha ng mga artista at ang iba naman siguro pero huwag naman sana ay mukhang pasan naman ang daigdig. Maaring ang iba ay “di na mareach” dahil marami ng pera o ang iba naman ay patuloy pa ring nagsisikap. Maaari din namang ang iba ay wala na talaga. Sabi nga “kinuha na ni Lord”

Sa mga pagbabagong ito, may magaganda at may mga pangit. Sa ilang pagkakataon, wala tayong magawa kundi ang tanggapin ang mga pagabbagong ito. Pero kapag may magagawa naman tayo, syempre pipiliin natin yong makakabuti sa atin.

Bago…Pagbabago…Nagbabago…Ayaw magbago…lahat ito’y dala ng pag-ikot ng mundo…

April 8, 2009

The Station of the Cross

Filed under: Uncategorized — pognang @ 10:22 pm

First- Jesus is condemned to dealth

Second-Jesus takes up His cross

Third-Jesus Falls the First Time

Fourth-jesus was met by his blessed mother

Fifth-Simon of Cyrene help Jesus to carry the cross.

Sixth-The face of Jesus is wiped by Veronica

Seventh-Jesus falls the second time.

Eight-jesus consoled the women of Jerusalem

Ninth-Jesus falls the third time

Tenth-Jesus is stripped of his garments

Eleventh- Jesus is nailed to the cross.

Twelfth-Jesus dies on the cross

Thirteenth-Jesus is laid in the arms of His blessed mother

Fourteenth-Jesus laid in the tomb

GOD BLESS EVERYONE!!!

Just Sharing

Filed under: Uncategorized — pognang @ 10:14 pm

The Three Theological Values-Faith, Hope and Charity

The four Cardinal Vitues-Prudence, Justice,Fortitude, Temprerance

The seven gifts of the Holy Spirit-Wisdom, Understanding,Counsel,Fortiture,Knowledge,Piety, the fear of the Lord

The twelve fruits of the Holy Spirit-Charity, Joy, Peace, Patience,Benignity, Goodness, Longanimity, Mildness,Faith,Modesty,Continency,Cjastity

The seven corporal works of mercy- To counsel the doubtful; to instruct the ignorant; to admonish sinners; to comfort the afflicted; to forgive offenses; to bear wrongs patiently; to pray for the living and the dead

The seven capital sins- pride, covetousness, lust,anger,gluttony, envy,sloth

SOURCE:

Handbook Of Prayers

By: Charles Belmonte-James Socias

WPMU Theme pack by WPMU-DEV.