Lorna and Aldrin’s Box

March 21, 2009

Ang Galing Nito, Nabasa ko lang at kinopya ko dito…basahin nyo :)

Filed under: Uncategorized — pognang @ 5:27 am

dalawampung hakbang sa dambana Ikakasal ka na. Mula sa kinalalagyan ko, habang dahan dahan mong binabaybay ang gitna ng simbahan, hindi ko mapigilang lumuha ng maliliit na patak. Masaya ka kaya habang naglalakad? May luha ka din sa mata, nakikita ko. Pero ang tanong na bumabalot sa isip ko ay kung luha ba yan ng kagalakan o kalungkutan.

Isa… Dalawa… Tatlo…

Alam kong gasgas na ang linyang ito pero anu’t ano pa, hayaan mong sabihin kong walang anumang salita mula sa kahit ano pang lenguahe ang magbibigay kahulugan sa pakiramdam ko ngayon. Ikakasal ka na. Mula sa kinalalagyan ko, habang dahan dahan mong binabaybay ang gitna ng simbahan, hindi ko mapigilang lumuha ng maliliit na patak. Ikaw ba talaga yan? Makailang pikit na ang ginawa ko, tinatanong ang sarili kung ikaw nga ba ang babaing nasa traje de boda. At kahit anong pikit ang gawin ko, ikaw nga iyon. Parang kailan lang, kalaro kita kasama ang ibang bata. Alam ko pa ang itsura mo noon; tisay pero bulok ang ipin, naka-ponytail ka na palagi noon pa, at chubby. Bibo kang kalaro sa piko, pero kapag pikon ka na sa pang-aasar nila dahil sa lagi kang natutumba pag isang paa na lang ang gamit sa number 3 o kaya 4 na box sa piko, sa akin ka iiyak at aawayin ko sila. Madalas nila tayo tuksuhin pero wala lang sa iyo yon. Natutuwa naman ako noon dahil sa akin ka lumalapit. Para sa akin, ikaw na ang bestfriend ko.

Apat… Lima… Anim…

Binibilang ko ang mga hakbang mo sa altar. Ilang segundo na lang ay hindi ka na single. Masaya ka kaya habang naglalakad? May luha ka din sa mata, nakikita ko. Pero ang tanong na bumabalot sa isip ko ay kung luha ba yan ng kagalakan o kalungkutan. Hindi kita naging kaklase sa grade school. Palibhasa palagi kang nasa star section. Sa service lang kita nakakasabay, at habang kumakain tayo ng cotton candy ay nagkukuwentuhan tayo tungkol sa mga nangyari sa araw natin sa school. At alam ko, nalulungkot ka noon kapag bababa na ako sa bahay namin. Magba-bye ako sayo habang aandar ang service at magtititigan tayo. Close tayo noong elementary. Ako ang bestfriend mong lalaki at ikaw naman ang tangi kong bestfriend na babae.

Pito… Walo… Siyam… Mahal na mahal kita. At habang pinagmamasdan kita sa maganda mong gown ay parang natutunaw ako sa kinalalagyan ko. Nasa kalagitnaan ka na at maya maya pa ay magsisimula na ang seremonya. Nag-high school tayo sa parehong school at sa kabutihang palad ay ka-section kita. Lalo pa tayong naging close kahit pa parating magkaaway ang mga barkada mong babae at ang mga barkada kong lalaki. Pero di gaya noong mga bata pa tayo, sa iba ka na tinutukso.

Sampu… Labing-isa… Labing-dalawa… Pakiramdam ko, palakas nang palakas ang tugtog ng kasal habang papalapit ka sa altar. Nakangiti ka at kung minsa’y naititingin mo ang mata mo sa ibang taong nagagalak habang pinagmamasdan ka. Nasa sa iyo lahat ng atensyon. Nagkaroon ka na ng maraming boyfriend. Ako naman ay umasa lamang na maibig mo. Wala akong naging ibang inalayan ng pagmamahal kundi ikaw. At tuwing pinapaiyak ka ng mga magagaling mong ex, telepono ko ang kumikiriring. Kaya nga noong nauso ang kantang “Halaga” ng Parokya ni Edgar, ay sobrang tinamaan ako.

Labing-tatlo… Labing-apat… Labing-lima… Maligaya ka sa panahong to, alam ko. Ikaw pa, kilalang kilala na kita. Bestfriend kita eh. Mula ulo hanggang paa, kilala kita. Kakatawa pero naaalala ko pa noong mga bata tayo, alam ko na ang mga panty mo ay yung may burdang Monday, Tuesday, hanggang Friday. Alam ko na noong elementary ay galit ka sa Sibika at Kultura at sa Principal nating tinawag nating Miss Minchin. Noong highschool, alam ko pa kung sinu-sino ang mga naging crush mo. Kabisado na kita. Alam ko kung mainit ang ulo mo, kung malungkot ka, kung hindi maganda ang pakiramdam, kung nae-excite at lahat lahat. Alam ko din kung maligaya ka. At kung hindi man ako nagkakamali, nararamdaman kong masaya ka ngayon habang patungo sa altar.

Labing-anim… Labing-pito… Labing walo… Basta maligaya ka, masaya ako. Yun naman ang gusto ko parati, ang maligaya ka. At ang tanging hiling ko sa panahong ito ay ang panghabam-buhay mo nang kaligayahan. Ayan na malapit ka na sa altar.

Labing-siyam..Eksaktong ikalabing-siyam
na ang ang hakbang mo, nabilang ko sa isip. Congratulations. Masaya ako at alam kong masaya ka rin ngayong ikakasal ka na…

Dalawampu… … sa akin.

March 19, 2009

Happy Birthday Nay and Tay

Filed under: Uncategorized — pognang @ 6:40 am

All the best!!!

Congratulations Adrielle!

Filed under: Uncategorized — pognang @ 6:39 am  Tagged

“Ang galing mo Adrielle!”, yan ang bati ko sa aking pamangkin sa kanyang graduation ngayong araw na ito. Aba, at may bonus pa, siya ay 2nd honor. Ehem…it must be in the genes…joke lang po…nagpapatawa lang para bago matulog ay nakangiti kayo :) Naalala ko nong graduation din ng anak ko noong pre elem sya…masayang-masaya din ako…tatanungin nyo ba kung bakit? Huwag na hahanginin lang kayo sa kinatatayuan nyo :) Ako naman noong ganyan ang gulang ko, lagi akong nabubully ng mga kaklase ko…sabagay hanggang hangayon naman nabubully pa rin ako… ewan ko bully-hin talaga ako…Teka, HINDI bunihin ha…ibig ko sabihin nabubully pa rin ako hanggang ngayon…hehehe corny

Again, Congratulations my dear dear Adrielle :)  Way to go…

March 12, 2009

Leadership

Filed under: Uncategorized — pognang @ 8:24 am

I never consider myself a leader. Yes, I can be a good follower but not a leader. It’s my personality. I rarely talk and I prefer talking to PCs instead.And how can a timid person be able to lead?

In one of our trainings, the case of “Bobby Knight” was discussed. Bobby Knight is a multi awarded coach of Indiana University. He is tough, I mean very tough, discipline, result oriented and hard working. At the middle of the discussion, I was called by the facilitator so I have no choice but to answer and let the class know about my point of view. The question was, “If you are a basketball player, would you accept Bobby Knight as your coach?”. My answer reflected only what is inside of me. My answer was “It will be very hard but I will take the challenge. I will try to adapt on his style and strategies.However if he beat me physically I will quit” My answer was half true, inside of me…I will not work for Bobby Knight even if he is the best coach of the world. Different point of views were presented to the class. Most of them “likes Bobby Knight” . Well, I cannot blame them, Bobby Knight has an impressive record in college basketball. But you cannot blame me by thinking that “most of my classmates are plasctic(hehehe)” Bobby Knight  is an achiever . I like his will power, his intelligence and ability to plan and organize the team. But I hate the radical approach. I’m a believer of “positive reinforcement” . Even the beast can be tamed by good deeds. And Jesus Christ made a good example of a leader. He is the omnipotent but the most humble. He never hurt anybody and even love His enemies. He show compassion and kindness at any instance. He leads by treating everybody in the most pleasant and positive way…Bobby Knight is really good but Christ’s likeleadership is always the one I look up into…it can win the dirtiest soul…it can change anything for the better… it can move mountain…it made a difference to all of us and yes…it’s PERFECT!

Goodnight everyone and God bless!

WPMU Theme pack by WPMU-DEV.