Mareng GRACE
Kangina pa ko nakikisingit sa PC pero ngayon lang uli ako nakasingit. Binuksan ko ang friendster ko, isinara ko uli dahil wala namang bago. Maya-maya binuksan ko naman ang yahoo mail ko. Nakita kong may message sa kin si Grace, college friend at kumare ko. Binuksan ko agad…natawa ako sa message nya…napagkamalan nyang si Aldrin si Albert…hehehe…Eto ang 2nd sa pinakamagandang Holiday message na natanggap ko…Mareng Grace, you made my Jan. 2 -happy
Tiningnan ko maigi ang picture…siguro “matronic” ang itsura ko dito sa picture na to? hehehe But atleast, mabait ang aking kumare dahil di nya sinabing ” saksakan ako ng taba” . Hayaan mo Mareng Grace, gagawin kong challenge yan para pumayat ako. Eto ang all time high na timbang ko though tabain naman talaga ako ever since the world began…Di naman ako pang beauty queen, wala lang, naishashare ko lang ang mga pictures na ito. Isa pa pala, sabi niya fan daw ako ni Karylle. Di ako fan ni Karylle, sobrang awang-awa lang ako sa nangyari sa kanya :) Kung ikaw kaya ang tanungin on the spot habang katatapos ka iwan ng taong pinagkatiwalaan mo? Ano kayang isasagot mo? Di ka ba gaganti? Di ba gusto mong ipakita na “Excuse me…daming interesado sa kin.” It’s human! Wala lang, naawa lang ako
Sana this 2009 lahat ng pain sa ating lahat makalimutan na natin and makamove forward na tayo
All the best kay Karylle at sa ating lahat this 2009 ![]()
To Mareng Grace - Happy New to you and your family. Saka na tayo magkita pag payat na ko
Take care and God bless ![]()