Lorna and Aldrin’s Box

September 28, 2008

Naiyak ako dito, nagbasa na lang ako ng blog ni KC

Filed under: Uncategorized — pognang @ 1:37 am

“Best friends”
Mayroong dalawang magkakababata, babae at lalaki na halos magkasing-edad. Mula pagkabata ay magkasama na sila, palagi silang naglalaro tuwing hapon at magkaklase din sila hanggang highschool. Matagal pa sana ang pagsasama nila ngunit kailangang lumuwas ng babae para doon sa Maynila niya maipagpatuloy ang pag-aaral ng kolehiyo.
“Basta dito ka lang ha?..Babalikan kita pag nakaipon na ako ng pera sa Maynila..Basta walang iwanan!..Pag-uwi ko dito, may dala akong bulaklak at konting pasalubong..”” Wika ng babae habang umiiyak na niyakap ang lalaki.
“Oo pangako, hindi ako aalis dito sa Bulacan..Aantayin ko ang pagbalik mo, basta bilisan mo lang baka mamaya patay na`ko pag uwi mo dito!..” Pabiro ngunit mangiyak-ngiyak na sabi ng lalaki.
“Tanga, `wag ka ngang magsalita ng ganyan!..Eto aalis na nga `ko niloloko mo pa`ko!..Basta wag ka aalis ha?..Babalikan kita dito pagdating ng panahon..Baka makalimutan mo na `ko nyan at may iba ka nang ‘bestfriend’!..Magtatampo ako nun!..”
Hindi na nagsalita ang lalaki at itinuro na lang ang ulo pagkatapos ay sa kaliwang dibdib na parang nagsasabing “Hindi kita makakalimutan kasi wala ka lang dito sa utak ko, nasa puso ko!”..At umalis na ang babae at iniwang umiiyak ang lalaki.
Matyagang nag-antay ang lalaki sa Bulacan ng dalawang taon at umaasang babalikan siya ng kaibigan niya. Noong una, hindi pa niya pansin na wala na ang kaibigan, ngunit pagdaan ng ilang buwan at taon, naisip na niya ang kaibigan at ang binitawang pangako. Bigla na lang sumagi sa isip niya, ‘mahal ko na ba ang kaibigan ko?’
Anim nang taon ang lumipas ngunit wala pa rin ang kaibigan. Naisip niya na kinalimutan na niya ang pangako nito. Nagiba na ang mga kinikilos ng lalaki, laging dumadaan sa dating bahay ng kaibigan at umaasang makikita niya ang babae na naka-dungaw sa bintana, inaantay siya. Minsan pa nga, humantong na sa may nakikita na niya ang kaibigan na nakasilip na bintana ngunit pagtingin niya ng malapitan, wala na pala, ilusyon lang pala. Walong taon na ang lumipas ngunit wala pa rin ang kaibigan. Naisip niya na nakalimutan na siya nito at may sarili nang pamilya sa Maynila. Nagalit siya sa kaibigan at nagpasyang kalimutan na rin siya. At kinabukasan ay kaarawan pa ng lalaki.
Isang gabi, naglalakad siya sa lugar nila at sa hindi malamang dahilan ay napadaan siya sa bahay ng babae. Palagpas na sana siya ngunit may sumigaw ng palayaw niya, na tanging ang dating kaibigan lang ang nakaka-alam.
Lumingon siya sa pinag-galingan ng boses at nakita niya ang dating kaibigan. Magkahalong tuwa at inis ang nadarama niya, tuwa dahil nagkita na ulit sila ng bestfriend niya, at inis dahil matagal din siyang pinag-antay nito. Maya-maya, nagtaka siya bakit hindi pa lumalabas ang kaibigan samantalang malapit lang bintana sa pinto ng bahay. Kaya naisipan niyang pasukin na lang ang bahay, tutal alam naman ng mga kapitbahay na malapit talaga ang lalaki sa pamilya ng babae at pinagkakatiwalaan ito.
Pagpasok niya ng bahay, bigla siyang natigilan dahil may naamoy siyang pamilyar ngunit kakaiba. May naaamoy siyang bulaklak na madals nilang pitasin nung bata pa sila ngunit kakaiba dahil medyo matapang yung amoy, parang hindi bulaklak. Hinanap at tinawag niya ang kaibigan sa loob ng bahay. Hindi niya namalayang nasa TV room na siya ng bahay at mayroong nakapatong na mga pasalubong sa coffee table. Nang tingnan niya ang laman, puro pagkain na paborito niya ang laman, yung madalas nilang kainin sa karinderia. At mula sa madilim na sulok ng bahay, lumitaw ang babae.
“Sus!..Ano ka ba?!..Papatayin mo`ko sa takot!” Sigaw ng lalaki. Ngunit tahimik parin ang babae at nakangiti lang sa kanya.
“Akala mo ba, may kasalanan ka sa`kin!..Ang tagal mo`kong pinag-antay, walong taon!..badtrip ka..” Ngunit wala pa ring kibo ang babae. Biglang tumahimik ang lalaki at sabay nagsalita ang babae.
“Mahal kong kaibigan, patawarin mo`ko kung ngayon lang ako naka-uwi ng Bulacan, may mga nangyari kasi. Pero kahit may mga masamang nangyayari sa Maynila, pinilt kong maka-uwi para makabawi sa kasalanan ko. Marami sana akong ikwekwento ngunit ——-..” Hindi pa tapos magsalita ang babae dahil sumingit bigla ang lalaki.
“Bakit aalis ka nanaman?!..Akala ko pa naman pag-uwi mo na dito, dito ka na maninirahan para magkasama ulit tayo!..”
“..Yun nga ang problema eh, gusto ko ngang mag-stay dito para magkasama ulit tayo ngunit may mga problema. Mahirap i-explain pero masamang balita. Kaya lang ako nagpunta dito ay para sabihin sa iyo na hindi ako nakalimot sa pangako ko sa iyo. Happy Birthday `best!..” sagot ng babae na may kasamang ngiti. Biglang nagising ang lalaki. Panaginip lang pala…badtrip.
Kinabukasan, gumugulo pa rin sa isip ng lalaki kung ano ang ibig sabihin ng panaginip niya kagabi. Wala naman siguro dahil wala naman siyang nababalitaan na masama tungkol sa kaibigan niya sa Maynila.
Makalipas ng ilang oras, biglang sumugod sa bahay nila ang isang kapitbahay na malapit din sa pamilya ng babae, umiiyak. Nang tinanong niya kung bakit, iniabot nito ang hawak na cellphone sa lalaki. Ang nasa kabilang linya pala ay ang tita ng kaibigan niya.
“Hello?..di`ba ikaw ung kaibigan ng pamangkin ko dyan?..”
“Opo..bakit po?..pa-uwi na ba siya?” tanong ng lalaki na may halong excited.
“Umm..ayoko man sabihin pero hindi na siya makakauwi dyan sa Bulacan. Nasagasaan siya ng kotse kahapon habang tumatawid para mag-padala daw ng sulat sa iyo na may balitang next week na siya uuwi. Buhay pa siya nung dinala sa ospital. Sinabi niya sa amin na hindi raw siya papayag na hindi ka maka-usap ngayon at kaarawan mo daw ngayon. Nung sinabi ko na wala akong kontak mo, sinabi niya na siya na lang gagawa ng paraan para maka-usap ka. Happy Birthday nga pala iho, sorry hindi maganda ung regalo ko sa iyo..”
“Salamat po Tita..” Medyo mangiyak-ngiyak na wika ng lalaki. Malungkot na iniabot niya sa kapitbahay ang cellphone, hindi pinahahalatang umiiyak siya. Pag-alis ng kapitbahay, bigla na lang niya naisip ang mga magagandang alaala ng kaibigan nung nabubuhay pa siya. At hindi niya naiwasang umiyak.
Dahil sa biglaan ang pagkamatay ng kaibigan, hindi siya nakapag-ipon ng pera pampaluwas ng Maynila kaya nagsindi na lang siya ng kandila at nagalay ng dasal sa dating bahay ng kaibigan.
“`Best naman ehh, bakit mo`ko iniwan?..Kadayaan naman oh, sabi mo sa`kin wag akong umalis dito dahil babalik ka..tapos..tapos ikaw pala ang aalis..” Habang umiiyak ang lalaki, naramdaman niya na may malamig na hangin na dumapo sa pisngi niya, para bang pinu-punasan ang luha. Bigla na lang tumingin ang lalaki sa bintana ng bahay. At nakita niya na kumakway ang babae, nagsasabing paalam na, kahit may masamang nangyari, hindi kita nakalimutan at ang pangako ko sa iyo dahil wala ka lang dito sa utak ko…………..nasa puso ko.

-END-

September 27, 2008

A Hoax

Filed under: Uncategorized — pognang @ 9:46 pm  Tagged

I read my horoscope this morning and I don’t like it so I decided to write a blog instead of cursing the person behind those horoscopes…just making you laugh, why would i curse anyway? as one of my favorite song says “let there be peace on earth and let it begin with me” Let’s change topic…

Have you heard about the reproductive bill? I got the chance to browse a copy of this bill last night. Simply put, its PROMOTING CONTRACEPTIVES with the ornaments of words around. And it could be the easiest but not very creative solution for the population explosion in the Philippines.

True, the huge population in our country is a problem.But I believe that “corruption” is a bigger problem. If the thieves bring back the money and the resources they got — it is more than enough to temporarily feed, educate and provide jobs to the less fortunate or maybe all of us.

I found the reproductive health bill vague. In one of the paragraphs, states that ”

iii) sex education and life-skills programs for all levels of
education –primary, secondary and tertiary. The policies must reflect the special needsofmarginalized adolescents, such as street children and out-of-school youth;

The paragraph above does not specify the boundaries of educating the youth regarding productive health. The growing up years are values formation year and very critical to one’s thinking and moral. There must be a thorough study on how to educate the youth specially the children at grade school. If they are going to be exposed to these contaceptives, they might have the impression that “it’s ok to have sex without marriage as long as you don’t get pregnant and sick” If that is our mentality years from now, then we are not different from animals-just like dogs and cats.

We have to be very careful in educating our people regarding this issue. We must have different programs for different sectors. Like for elementary student, we must first mold their morality. Tell and show them by example that “God want our lives in order” and that “pre marital sex” is a mortal sin and will destroy our Christian life. We can tell them that if we violate God’s rule, it will mean a chaotic life. For the adults who do not learn the responsibility of raising children, we must “brain wash” them that “having children is having responsibility”. Show them in figures how much money is needed to raise one kid with all these inflation rates. It is also good to provide counseling and jobs for them. It’s a big sacrifice but its worth it. For us, ordinary people, everyday, we can tell our sons and our daughters this line “God sees you every minute of the day. Follow Him and you will never go wrong. God loves you and I love you.”

The catholic church made a firm opposition on the bill. Of course, what do you expect them to do? It’s their job. It’s their duty. The church must also help in educating people, instilling values through catechism, bible studies and fellowships. By holding on God’s hand, we will find the way to true happiness and prosperity.

For me, its better to educate people regarding reproductive health…the Christian way.The reproductive health bill is a no! no!

WPMU Theme pack by WPMU-DEV.