Aking Ina
Advance Happy Mother’s Day sa lahat ng nanay out there…
Kay ganda-ganda mo nong ika’y dalaga
Hugis Coca-cola ng makilala ni ama
Birheng kapaham-pahaman kung tawagin nila
Ubod ng lambing, ika’y Pilipina
Sa kagandahang asal, hitik ka sa bunga
Sa angking talino bibilib sila
Paglipas ng panahon, aking nakilala
Mabuting kaloobang wala sa iba
Sa aking pagsilang buhay mo’y nataya
Nagpuyat ng gabing di na mabilang
Upang ako ay palakihin at alagaan
Ako’y tinuruang bumasa at sumulat
Sa pagbibilang ako ay namulat
Sa aking paglaki ako ay nagalak
‘Pagkat nagkaroon ng ina at isang kaibigan
Na kasa-kasama, sa panahong natatalaga
Ang aking hiling, aking ina
Masayang buhay at mabuting kalusugan
Ang iyong madatnan
Ako’y nagpapasalamat sa Poong May Kapal
Sa iyong mga ngiti at pagmamahal na tunay…