Malayo Kay Ka Andres
Noong kami’y mga bata pa, lagi kaming magkasalungat ng kapatid kong lalaki. Sabi nya sa kin "Life is a matter of choice". Sabi ko naman at di ako magpapatalo, "Life is destiny", kahit anong gawin mo, kung para saan ka ay doon ka…hatol ng kapalaranm ikaw nga.Lumaon ang panahon, napag-isip-isip ko na pareho lang kaming tama,- " Life is choice and destiny".
Isa pa sa mga pinagkakasalungatan namin ay kung sino ang dapat maging national hero, si Jose Rizal ba o si Andres Bonifacio? Dahil Andres Bonifacio Day ngayon, naalala ko pa ang mga "rebuttal" ng bawat isa.Para sa kanya si Jose Rizal ang dapat lang maging National Hero. Para naman sa akin si Andres Bonifacio ang nararapat. Syempre pa, "sugod mga kapatid…"
Lagi akong talo sa mga pinagkakasalungatan namin. Siguro dahil mas mahina ang "personality" ko at maaari o marahil ay mas maraming "brain cells" ang nabuo sa kanyang utak noong siya ay ipinagdadalang-tao ng butihin naming ina.
Pareho ko namang paborito si Jose Rizal at Andres Bonifacio.Mas gusto ko lang si Andres Bonifacio dahil unang-una sa adhikain nya ang "kalayaan ng Pilipinas" noon. Hindi nya inisip ang kamatayan, pati ang kanyang may bahay ay kasama niya sa pakikipagdigma. Sa kanya " tunay na kalayaan" lamang ang sagot sa uhaw at galit na mga Pilipino.
Sa nangyari kahapon sa "Manila Peninsula", habang tinutugis ngb pamahalaan si Ginoong Trillanes, bumalik sa aking pananaw ang "kagitingan" ni Ka Andres. Pinakiramdaman ko ang aking sarili tungkol sa pangyayari at masasabi kong iba na talaga kapag tumatanda na. Ang pakiramdam ko ay ibang-iba kaysa noong ako ay nasa "early 20’s" pa.
Pagkainis ang naramdaman ko. Kung tutuusin, pareho lang naman silang may katwiran. Sa totoo lang, para sa akin "press release lang" ang pagunlad ng Pilipinas. O maaring umunlad ng isang bahagdan ngunit ang pagunlad na ito at ikinarga naman sa nakararaming Pilipino na pawang mahihirap. Bakit ikinarga? Doon na lang sa pinakamahihirap(na sana ay mas gabayan pa ng Diyos upang makalagpas sa araw-araw na pagkagutom). Sa mga taong ito mas mahirap ngayon ang bumili ng bigas, gatas, asukal o ano mang pangunahing bilihin ay napakatataas ng presyo. Doon naman sa mga manggagawa sa opisina, karamihan sa kanila ay baon sa utang para mapag-aral ang mga anak, makakain ng tatlong beses araw-araw. Malaking buwis ang kinakaltas sa buwan buwang sahod ng manggagawang Pilipino. Ang mga nasa "alta ciudad" naman ay may pribileho at maaaring di nila maintindihan ang pakiramdan ng nakararami. Sila ang mga nagsasabing " ang ganda ng ekonomiya n g Pilipinas ngayon"Sana nga, magdilang anghel kayo."
Kung tutuusin may tama naman ang gobyerno na daanin na lang sa mataas na buwis sa lahat ng pwedeng lagyan ng buwis. Wala silang kukunan ng pambayad ng utang.
Mayroon din namang katwirang magreklamo ang nakararami, huwag ng daanin pa sa numero at "statistics". Tumingin ka na lang sa sa paligid mo. tingnan mo kung gaano kabilis ang pagdami ng batang namamalimos at natutulog sa kalye. Dahil sa kahirapan, dumadami ang magnanakaw at mga nagtitinda ng aliw. Maraming hinaing ang nakararami na kahit kailan ay di maiibsan ng mga pangako at salita lamang.
Minasan naisip ko, ano kaya kung lahat ng mga sinasabing "corrupt" o "naging corrupt" o umabuso sa kaban ng bayan ay ipatawag sa r"egular conferences". Hindi para tugisin kundi para kunsensyahin. Ipapanood sa kanila ang mga Pilipinong nagdarahop lalo na ang mga batang nagugutom. At pagkatapos nito, ay humingi ng tulong sa kanila "in a regular basis" Ang perang malilikom ay ipagpapagawa ng isang hanap-buhay. Maaring "Industrial gases plant" bilang paghahanda sa bagong "trend" sa market sa industriya ng petrolyo at gasolina. Sa ganitong paraan makakatipid tayom ang puhunan lamang ay ang planta. Ngunit kailangang pamunuan ito ng isang taong may mabuting puso, makabayan at may alam din sa pagpapatakbo ng negosyo. Napakahirap hanaping ng taong ito…
Sa palagay ko kung magpapakumbaba ang mga tinatawag nilang "corrupt", tutulong at babawi sa bayang inabuso, tapos ay dagdagan ng tulong at disiplina ng bawat isa…may pag-asa…
Hindi kailangan ang "press release". Di rin kailangan ang "barilan". Siguro ang "media" ay makakatulong sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga panoorin upang maging "tapat", "may kabutihang loob" at "pagmamahal sa bayan" …"brain washing" ika nga. Lahat ng ito nasa kamay mo at nasa kamay ko…
Tayong mga Pilipino sa bagong panahon, malayo kay Ka Andres, pero may panahon pa…may pag-asa…simulan natin…