Lorna and Aldrin’s Box

August 12, 2007

Sari-Sari sa Pilipinas

Filed under: Uncategorized — pognang @ 2:07 am

Kapag tiningnan mo ang Pilipinas sa mapa, matutuwa ka sa kanyang itsura, kakaiba, hindi siya basta bloke ng lupa, isa syang Archipelago na parang sinadya ang pagkakaporma…ginuhit ng tadhana.

Kapag pinuntahan mo isa-isa ang mga likas na yaman sa Pilipinas, matutuwa. Dinadayo ang mga magagandang tanawin dito. Kung ako nga na taga dito na ay natutuwa ako ng lubos sa magagandang tanawing ito na ilang beses ko ng nakita. Magaganda ang mga beaches dito, ang mga tanawin,ang mga bulkan, ang mga bundok na kadalasan ay tinataguan ng tinatawag na "leftist"-yong mga taong ayaw sumunod sa gobyerno dahil sa sariling paniniwala at idelohiya .Ang mga taong ito ay kababayan din natin kaya sa palagay ko kailangan ding unawain.

Kaapg kinausap mo ang mga kabataang Pilipino ay magugulat ka sa husay nila. Mga bata pa lang makikita mo na ang husay sa pag-iisip. Kadalasan mas maalam pa kaysa sa ating mga nakakatanda.

Kapag nakilala mo ang mga Pilipina, matutuwa ka. Likas sa kanila ang pagiging karinyosa. Malumanay silang magsalita at palaging may paggalang at lambing.Magaganda at di nakakasawa ang kanilang mga itsura.

Kapag nakilala mo naman ang mga Pilipino, matutuwa ka. Sila ang pinakamakisig na nilalang sa buong mundo. Anong panama ng nakakasawang mukha ng mga Amerikano, ng mga Briton, ng mga Australyano, gwapo pa rin ang mga Pilipino.

Kapag nakilala mo naman ang mga ninunong Pilipino, matutuwa ka. Hindi maihahalintulad ang aral na nasa puso nila. Sila ang nagturo sa amin na gumamit ng "po" at "opo". At saang parte ng mundo may ganitong klase ng paggalang kundi sa Pilipinas lamang?

Kapag nakilala mo ang mga Pilipinong bayani, matutuwa ka. Sila ay magigiting at matatlinong tao. Sila ay talagang nagsikap para sa bayan.

Kapag narinig mo ang kwentuhang Pilipino, matutuwa ka. Wala itong kasing saya. Pati problem ay tinatawanan lamang.

Syempre, may mga di rin kagandahang bagay sa Pilipinas, pero di ko na sasabihin pa ito.Bakit? Wala namang perpekto…

Yan ang epekto ng mahaba kong pagtulog ng tanghali…


No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

WPMU Theme pack by WPMU-DEV.